Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 47 sa 54 • Tagalog


قُلْ مَا سَأَلْتُكُمْ مِنْ أَجْرٍ فَهُوَ لَكُمْ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ 47
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya [para sa mensaheng ito] sapagkat ito ay para sa inyo; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Siya sa bawat bagay ay Saksi.” Saba’ 34:47
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Hindi ako humingi sa inyo ng anumang gantimpala o pabuya sa inihatid ko sa inyo na patnubay at kabutihan – kung ipagpapalagay ang kairalan nito – sapagkat ito ay para sa inyo. Walang iba ang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh lamang. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat bagay ay Saksi sapagkat Siya ay sumasaksi na ako ay nagpaabot sa inyo at sumasaksi sa mga gawain ninyo kaya para lumubos Siya sa inyo sa pagganti sa mga ito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 46 Susunod Saba’ • Talata 48