Nagpasinungaling ang mga bago pa nila at hindi sila umabot sa ikapu ng ibinigay Namin sa mga iyon, ngunit nagpasinungaling sila sa mga sugo Ko kaya magiging papaano na [katindi] ang pagtutol Ko? Saba’ 34:45 ⧉
Tafsīr:
Nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna tulad ng `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Hindi umabot ang mga tagapagtambal kabilang sa mga kalipi mo sa ikapu ng naabot ng mga kalipunang nauna na lakas, kapangyarihan, yaman, at bilang. Ngunit nagpasinungaling ang bawat isa sa kanila sa sugo niyon kaya hindi nagpakinabang sa kanila ang ibinigay sa kanila na yaman, lakas, at bilang, saka bumagsak sa kanila ang pagdurusang dulot Ko. Kaya tumingin ka, O Sugo, kung magiging papaano na ang pagtutol Ko sa kanila at kung magiging papaano na ang parusa Ko sa kanila.