Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na pinag-aaralan nila. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago mo ng anumang mapagbabala. Saba’ 34:44 ⧉
Tafsīr:
Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na binabasa nila upang magturo sa kanila na ang Qur'ān na ito ay isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago ng pagsusugo sa iyo, O Sugo, ng anumang sugo na nagpapangamba sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh.