Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 51

وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ فَزِعُوا فَلَا فَوْتَ وَأُخِذُوا مِنْ مَكَانٍ قَرِيبٍ 51 ٥١

Kung sakaling makikita mo kapag nanghilakbot sila [na mga tagatangging sumampalataya] ngunit walang lusot [sa sandaling iyon] at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit. (51)

Tafsīr
Kung sakaling makikita mo, O Sugo, kapag nanghilakbot ang mga tagapasinungaling na ito kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon kaya walang matatakasan para sa kanila mula roon at walang madudulugang dudulugan nila. Dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit na madali ang pag-abot kaagad-agad. Kung sakaling makikita mo iyon ay talaga makakikita ka ng isang bagay na kataka-taka.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba