Kung sakaling makikita mo kapag nanghilakbot sila [na mga tagatangging sumampalataya] ngunit walang lusot [sa sandaling iyon] at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit. Saba’ 34:51 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling makikita mo, O Sugo, kapag nanghilakbot ang mga tagapasinungaling na ito kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon kaya walang matatakasan para sa kanila mula roon at walang madudulugang dudulugan nila. Dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit na madali ang pag-abot kaagad-agad. Kung sakaling makikita mo iyon ay talaga makakikita ka ng isang bagay na kataka-taka.