Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 50 sa 54 • Tagalog


قُلْ إِنْ ضَلَلْتُ فَإِنَّمَا أَضِلُّ عَلَىٰ نَفْسِي ۖ وَإِنِ اهْتَدَيْتُ فَبِمَا يُوحِي إِلَيَّ رَبِّي ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ قَرِيبٌ 50
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Kung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.” Saba’ 34:50
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Kung naligaw ako palayo sa katotohanan kaugnay sa ipinaaabot ko sa inyo, ang pinsala ng pagkaligaw ko ay limitado sa akin: walang aabot sa inyo mula rito na anuman. Kung napatnubayan ako roon ay dahilan sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Malapit: hindi imposible sa Kanya ang marinig ang sinasabi ko."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 49 Susunod Saba’ • Talata 51