Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 54

وَحِيلَ بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ مَا يَشْتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشْيَاعِهِمْ مِنْ قَبْلُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا فِي شَكٍّ مُرِيبٍ 54 ٥٤

Haharangan sa pagitan nila at ng ninanasa nila, gaya ng ginawa sa mga kakampi nila bago pa niyan. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan [sa buhay sa Kabilang-buhay]. (54)

Tafsīr
Pipigilan ang mga tagapasinungaling na ito sa pagtamo sa ninanasa nila na mga sarap ng buhay, sa pagbabalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya at kaligtasan sa Apoy, at sa panunumbalik sa buhay na pangmundo, gaya ng ginawa sa mga tulad nila mula sa mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududa sa inihatid ng mga sugo na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pananampalataya sa pagkabuhay na muli, ayon sa pagdududang naghihikayat sa kawalang-pananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba