Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 8

أَفْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَمْ بِهِ جِنَّةٌ ۗ بَلِ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ فِي الْعَذَابِ وَالضَّلَالِ الْبَعِيدِ 8 ٨

Gumawa-gawa ba siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o sa kanya ay may kabaliwan? Bagkus ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusa at pagkaligaw na malayo. (8)

Tafsīr
Nagsabi sila: Lumikha-likha kaya ang lalaking ito laban kay Allāh ng isang kasinungalingan saka nag-angkin siya ng inaangkin niya na pagkabuhay na muli natin matapos ng kamatayan natin, o siya ay isang baliw na nagpapatnubay sa pamamagitan ng walang reyalidad? Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin ng mga ito, bagkus ang mangyayari ay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon at nasa pagkaligaw na malayo sa katotohanan sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba