Gumawa-gawa ba siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o sa kanya ay may kabaliwan? Bagkus ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusa at pagkaligaw na malayo. Saba’ 34:8 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sila: Lumikha-likha kaya ang lalaking ito laban kay Allāh ng isang kasinungalingan saka nag-angkin siya ng inaangkin niya na pagkabuhay na muli natin matapos ng kamatayan natin, o siya ay isang baliw na nagpapatnubay sa pamamagitan ng walang reyalidad? Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin ng mga ito, bagkus ang mangyayari ay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon at nasa pagkaligaw na malayo sa katotohanan sa Mundo.