Nagsabi naman ang mga tumangging sumampalataya: “Magtuturo kaya kami sa inyo sa isang lalaking magbabalita sa inyo kapag ginutay-gutay kayo nang buong pagkagutay-gutay? Tunay na kayo ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago.” Saba’ 34:7 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi naman ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa iba sa kanila dala ng pagtataka at pangungutya sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Magtuturo kaya kami sa inyo sa isang lalaking magpapabatid sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at nagkaputul-putol kayo sa isang pagkakaputul-putol, ay bubuhaying muli matapos ng kamatayan ninyo para maging buhay?"