Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali. (11)
Tafsīr
Si Allāh ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa inyo mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo na mga lalaki at mga babaing nag-aasawahan kayo sa gitna ninyo. Walang nagbubuntis na isang babae ng isang sanggol at walang nagsisilang ng anak nito malibang nasa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang nalilingid sa Kanya mula roon na anuman. Walang naidadagdag sa edad ng isa kabilang sa nilikha Niya at walang naibabawas mula roon malibang nangyaring iyon ay nakasulat sa Tablerong Pinangangalagaan. Tunay na ang nabanggit na iyon – na paglikha sa inyo mula sa alabok, paglikha sa inyo sa mga yugto, at pagsusulat ng mga edad ninyo sa Tablerong Pinangangalagaan – kay Allāh ay magaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: