Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (1)
Tafsīr
Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna, na gumawa mula sa mga anghel bilang mga sugong nagpapatupad sa mga utos Niya na pang-itinakda. Mayroon sa kanila na nagpapaabot sa mga propeta ng kasi at nagpalakas sa mga iyon sa pagganap sa ipinagkatiwala sa mga iyon. Mayroon sa kanila na may dalawang pakpak, may tatlo, at may apat, na lumilipad sa pamamagitan nito para sa pagpapatupad ng ipinag-utos Niya. Nagdaragdag si Allāh sa paglikha ng anumang niloloob Niya na anumang bahagi ng katawan o kagandahan o tinig. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: