Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 27

أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ ثَمَرَاتٍ مُخْتَلِفًا أَلْوَانُهَا ۚ وَمِنَ الْجِبَالِ جُدَدٌ بِيضٌ وَحُمْرٌ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٌ 27 ٢٧

Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim. (27)

Tafsīr
Hindi mo ba nakita, O Sugo, na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, kaya nagpalabas sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga bungang magkakaiba ang mga kulay ng mga ito: nasa mga ito ang pula, ang luntian, ang dilaw, at ang iba pa sa mga ito matapos na pinainom ang mga puno ng mga ito mula roon. Mula sa mga bundok ay may mga daang puti, mga daang pula, at mga daang sagad ang kaitiman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba