Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 2

مَا يَفْتَحِ اللَّهُ لِلنَّاسِ مِنْ رَحْمَةٍ فَلَا مُمْسِكَ لَهَا ۖ وَمَا يُمْسِكْ فَلَا مُرْسِلَ لَهُ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 2 ٢

Ang anumang binubuksan ni Allāh para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito matapos na niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. (2)

Tafsīr
Tunay na ang mga susi ng bawat bagay ay nasa kamay ni Allāh kaya ang anumang binubuksan Niya para sa mga tao na panustos, kapatnubayan, kaligayahan, at iba pa roon na mga biyaya ay walang isang nakakakaya na humadlang nito; at ang anumang pinipigil Niya mula roon ay walang isang nakakakaya sa pagpapakawala nito nang matapos ng pagpigil Niya rito. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba