Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 36

وَالَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقْضَىٰ عَلَيْهِمْ فَيَمُوتُوا وَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمْ مِنْ عَذَابِهَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي كُلَّ كَفُورٍ 36 ٣٦

Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat. (36)

Tafsīr
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon . Hindi humuhusga sa kanila ng kamatayan para mamatay sila at makapagpahinga sila mula sa pagdurusa, at hindi nagpapagaan sa kanila ng anuman mula sa pagdurusa sa Impiyerno. Tulad ng ganting ito gaganti Kami sa Araw ng Pagbangon sa bawat palakaila sa mga biyaya ng Panginoon niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba