Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 39

هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا 39 ٣٩

Siya ay ang gumawa sa inyo na mga kahalili sa lupa kaya ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila kundi ng isang pagkamuhi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi. (39)

Tafsīr
Siya ay ang gumawa sa ilan sa inyo, O mga tao, na hahalili sa lupa sa iba pa upang sumulit Siya sa inyo kung papaano kayong gagawa. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng mga sugo, ang kasalanan ng kawalang-pananampalataya niya at parusa sa kanya ay manunumbalik sa kanya. Hindi nakapipinsala sa Panginoon niya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – kundi ng isang pagkasuklam na matindi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi yayamang tunay na sila ay nagsasayang ng inihanda ni Allāh para sa kanila sa paraiso kung sakaling sumampalataya sila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba