Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 39 sa 45 • Tagalog


هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا 39
Pagsasalin:
Siya ay ang gumawa sa inyo na mga kahalili sa lupa kaya ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila kundi ng isang pagkamuhi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi. Fāṭir 35:39
Tafsīr:
Siya ay ang gumawa sa ilan sa inyo, O mga tao, na hahalili sa lupa sa iba pa upang sumulit Siya sa inyo kung papaano kayong gagawa. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng mga sugo, ang kasalanan ng kawalang-pananampalataya niya at parusa sa kanya ay manunumbalik sa kanya. Hindi nakapipinsala sa Panginoon niya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – kundi ng isang pagkasuklam na matindi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi yayamang tunay na sila ay nagsasayang ng inihanda ni Allāh para sa kanila sa paraiso kung sakaling sumampalataya sila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 38 Susunod Fāṭir • Talata 40