Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 40 sa 45 • Tagalog


قُلْ أَرَأَيْتُمْ شُرَكَاءَكُمُ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُوا مِنَ الْأَرْضِ أَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِي السَّمَاوَاتِ أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا فَهُمْ عَلَىٰ بَيِّنَتٍ مِنْهُ ۚ بَلْ إِنْ يَعِدُ الظَّالِمُونَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا إِلَّا غُرُورًا 40
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa mga pantambal ninyo na dinadalangin ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa Akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa. O mayroon silang pakikitambal sa mga langit? O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat kaya sila ay nasa isang malinaw na katunayan mula roon? Bagkus hindi nangangako ang mga tagalabag sa katarungan sa isa’t isa sa kanila kundi ng isang panlilinlang.” Fāṭir 35:40
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Ano ang nilikha nila mula sa lupa? Lumikha ba sila ng mga bundok nito? Lumikha ba sila ng mga ilog nito? Lumikha ba sila ng mga hayop nito? O na sila ay mga katambal kasama kay Allāh sa paglikha sa mga langit? O nagbigay ba Siya ng isang aklat na nasaad dito na isang katwiran sa katumpakan ng pagsamba nila sa mga pantambal nila? Walang anuman mula roon na nangyayari. Bagkus walang ipinangangako sa isa't isa ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi isang pandaraya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 39 Susunod Fāṭir • Talata 41