Tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit at lupa na hindi maalis ang mga ito. Talagang kung naalis ang mga ito ay walang hahawak sa mga ito na isa man matapos ng [ng paghawak] Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad. Fāṭir 35:41 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay humahawak sa mga langit at lupa habang pumipigil sa mga ito sa pagkaalis. Talagang kung naalis ang mga ito – kung ipagpapalagay – ay walang isang hahawak sa mga ito sa pag-alis noong matapos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin: hindi nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.