Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 40

قُلْ أَرَأَيْتُمْ شُرَكَاءَكُمُ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُوا مِنَ الْأَرْضِ أَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِي السَّمَاوَاتِ أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا فَهُمْ عَلَىٰ بَيِّنَتٍ مِنْهُ ۚ بَلْ إِنْ يَعِدُ الظَّالِمُونَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا إِلَّا غُرُورًا 40 ٤٠

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa mga pantambal ninyo na dinadalangin ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa Akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa. O mayroon silang pakikitambal sa mga langit? O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat kaya sila ay nasa isang malinaw na katunayan mula roon? Bagkus hindi nangangako ang mga tagalabag sa katarungan sa isa’t isa sa kanila kundi ng isang panlilinlang.” (40)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Ano ang nilikha nila mula sa lupa? Lumikha ba sila ng mga bundok nito? Lumikha ba sila ng mga ilog nito? Lumikha ba sila ng mga hayop nito? O na sila ay mga katambal kasama kay Allāh sa paglikha sa mga langit? O nagbigay ba Siya ng isang aklat na nasaad dito na isang katwiran sa katumpakan ng pagsamba nila sa mga pantambal nila? Walang anuman mula roon na nangyayari. Bagkus walang ipinangangako sa isa't isa ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi isang pandaraya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba