Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 11

إِنَّمَا تُنْذِرُ مَنِ اتَّبَعَ الذِّكْرَ وَخَشِيَ الرَّحْمَٰنَ بِالْغَيْبِ ۖ فَبَشِّرْهُ بِمَغْفِرَةٍ وَأَجْرٍ كَرِيمٍ 11 ١١

Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang nakalingid [sa pandama nila]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal. (11)

Tafsīr
Tunay na ang nakikinabang nang totohanan sa pagbabala mo ay ang sinumang nagpatotoo sa Qur'ān na ito, sumunod sa nasaad dito, at nangamba sa Panginoon niya sa pag-iisa kung saan hindi nakakikita sa kanya ang iba pa sa kanya. Kaya magbalita ka sa sinumang ito ang mga katangian niya ng magpapatuwa sa kanya na pagbura ni Allāh sa mga pagkakasala niya at kapatawaran Niya sa mga ito. Kabilang sa gantimpalang sukdulan na naghihintay sa kanya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba