Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 27

بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ الْمُكْرَمِينَ 27 ٢٧

sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan.” (27)

Tafsīr
Sasabihin bilang pagpaparangal sa kanya matapos ng pagpapakamartir niya: "Pumasok ka sa paraiso." Kaya kapag nakapasok siya roon at nakasaksi sa anumang naroon na ginhawa ay magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana ang mga kababayan kong nagpasinungaling sa akin at pumatay sa akin ay nakaaalam sa nangyari sa akin na pagpapatawad sa mga pagkakasala at sa ipinarangal sa akin ng Panginoon ko, talagang sasampalataya sila tulad ng pagsampalataya ko at magtatamo sila ng isang ganting tulad ng ganti sa akin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba