Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria.” Sabihin mo: “Kaya sino ang nakapangyayari laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya na magpahamak sa Kristo na anak ni Maria, sa ina niya, at sa sinumang nasa lupa nang lahatan?” Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan. (17)
Tafsīr
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat – si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha – ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: