Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 17 sa 120 • Tagalog


لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ۗ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 17
Pagsasalin:
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria.” Sabihin mo: “Kaya sino ang nakapangyayari laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya na magpahamak sa Kristo na anak ni Maria, sa ina niya, at sa sinumang nasa lupa nang lahatan?” Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan. Al-Mā’idah 5:17
Tafsīr:
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat – si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha – ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 16 Susunod Al-Mā’idah • Talata 18