Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 16 sa 120 • Tagalog


يَهْدِي بِهِ اللَّهُ مَنِ اتَّبَعَ رِضْوَانَهُ سُبُلَ السَّلَامِ وَيُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِهِ وَيَهْدِيهِمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 16
Pagsasalin:
na nagpapatnubay sa pamamagitan nito si Allāh sa sinumang sumunod sa kaluguran Niya, na mga landas ng kapayapaan, nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot Niya, at nagpapatnubay Siya sa kanila tungo sa landasing tuwid. Al-Mā’idah 5:16
Tafsīr:
Nagpapatnubay si Allāh sa pamamagitan ng Aklat na ito sa sinumang sumunod sa anumang nagpapalugod sa Kanya gaya ng pananampalataya at gawang maayos tungo sa mga daan ng kaligtasan mula sa parusa Niya, ang mga daang nagpaparating sa Paraiso. Nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at pagsuway tungo sa liwanag ng pananampalataya at pagtalima ayon sa pahintulot Niya. Nagtutuon Siya sa kanila tungo sa daang tuwid na matatag, ang daan ng Islām.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 15 Susunod Al-Mā’idah • Talata 17