Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 18 sa 120 • Tagalog


وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَىٰ نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ ۚ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ ۖ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ 18
Pagsasalin:
Nagsabi ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano: “Kami ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya.” Sabihin mo: “Ngunit bakit pagdurusahin Niya kayo sa mga pagkakasala ninyo? Bagkus kayo ay mga tao kabilang sa nilikha Niya. Magpapatawad Siya sa sinumang loloobin Niya at magpaparusa Siya sa sinumang loloobin Niya. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, at tungo sa Kanya ang kahahantungan. Al-Mā’idah 5:18
Tafsīr:
Nag-aangkin ang kapwa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya. Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Bakit pagdurusahin kayo ni Allāh sa mga pagkakasala na nagawa ninyo? Kung sakaling kayo ay mga iniibig Niya gaya ng inakala ninyo, talaga sanang hindi Niya kayo pinagdusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagbabagong-anyo sa Mundo at sa pamamagitan ng Apoy sa Kabilang-buhay dahil Siya ay hindi nagpaparusa sa sinumang inibig Niya. Bagkus kayo ay mga tao gaya ng ibang mga tao. Ang sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo ay gagantihan Niya ng Paraiso. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay parurusahan Niya ng Apoy. Si Allāh ay nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya dahil sa katarungan Niya. Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Tungo sa Kanya lamang ang babalikan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 17 Susunod Al-Mā’idah • Talata 19