Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 47

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ أَنْفِقُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا أَنُطْعِمُ مَنْ لَوْ يَشَاءُ اللَّهُ أَطْعَمَهُ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 47 ٤٧

Kapag sinabi sa kanila: “Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos sa inyo ni Allāh,” nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw.” (47)

Tafsīr
Kapag sinabi sa mga nagmamatigas na ito: "Umalalay kayo sa mga maralita at mga dukha ng mula sa mga yamang itinustos sa inyo ni Allāh," sumasagot sila habang mga nagmamasamang nagsasabi sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami sa sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh na pakainin ay talaga sanang pinakain Niya? Kami ay hindi sumasalungat sa kalooban Niya. Walang iba kayo, O mga mananampalataya, kundi nasa isang pagkakamaling maliwanag at isang kalayuan buhat sa katotohanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba