Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 47 sa 83 • Tagalog


وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ أَنْفِقُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا أَنُطْعِمُ مَنْ لَوْ يَشَاءُ اللَّهُ أَطْعَمَهُ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 47
Pagsasalin:
Kapag sinabi sa kanila: “Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos sa inyo ni Allāh,” nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw.” Yā Sīn 36:47
Tafsīr:
Kapag sinabi sa mga nagmamatigas na ito: "Umalalay kayo sa mga maralita at mga dukha ng mula sa mga yamang itinustos sa inyo ni Allāh," sumasagot sila habang mga nagmamasamang nagsasabi sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami sa sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh na pakainin ay talaga sanang pinakain Niya? Kami ay hindi sumasalungat sa kalooban Niya. Walang iba kayo, O mga mananampalataya, kundi nasa isang pagkakamaling maliwanag at isang kalayuan buhat sa katotohanan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 46 Susunod Yā Sīn • Talata 48