Walang pumupunta sa kanila na isang tanda kabilang sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon doon ay mga umaayaw. Yā Sīn 36:46 ⧉
Tafsīr:
Sa tuwing dumarating sa mga tagapagtambal na ito na mga nagmamatigas ang mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagiging karapat-dapat Niya sa pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba, sila noon ay mga tagaayaw sa mga iyon, na hindi mga nagsasaalang-alang sa mga iyon.