Kapag sinabi sa kanila: “Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.” Yā Sīn 36:45 ⧉
Tafsīr:
Kapag sinabi sa mga tagapagtambal na ito na umaayaw sa pananampalataya: "Mag-ingat kayo sa anumang nakahaharap ninyo kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay at mga kasawiang-palad doon at mag-ingat kayo sa Mundong tumatalikod, sa pag-asang magmagandang-loob si Allāh sa inyo ng awa Niya, na hindi naman kayo sumunod doon, bagkus umayaw kayo roon habang hindi mga pumapansin doon."