Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 79)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 79

قُلْ يُحْيِيهَا الَّذِي أَنْشَأَهَا أَوَّلَ مَرَّةٍ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلْقٍ عَلِيمٌ 79 ٧٩

Sabihin mo: “Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam.” (79)

Tafsīr
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanya: "Magbibigay-buhay sa mga butong bulok na ito ang lumikha rito sa unang pagkakataon sapagkat ang lumikha ng mga ito sa unang pagkakataon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik ng buhay ng mga ito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat nilikha ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba