Sabihin mo: “Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam.” Yā Sīn 36:79 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanya: "Magbibigay-buhay sa mga butong bulok na ito ang lumikha rito sa unang pagkakataon sapagkat ang lumikha ng mga ito sa unang pagkakataon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik ng buhay ng mga ito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat nilikha ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman."