Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: “Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?” Yā Sīn 36:78 ⧉
Tafsīr:
Nalingat ang tagatangging sumampalataya na ito at nagpakamangmang siya nang ipinampatunay niya ang mga butong bulok sa kaimposiblehan ng pagkabuhay na muli sapagkat nagsabi siya: "Sino ang magpapanumbalik dito?" Nalingid sa kanya ang pagkalikha sa kanya mismo mula sa kawalan.