Surah Aṣ-Ṣāffāt (Ang mga Nakaayos — الصافات) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




37 Aṣ-Ṣāffāt(الصافات), Talata 11

فَاسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمْ مَنْ خَلَقْنَا ۚ إِنَّا خَلَقْنَاهُمْ مِنْ طِينٍ لَازِبٍ 11 ١١

Kaya magsiyasat ka sa kanila [na nagkakaila ng pagkabuhay]: “Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?” Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit. (11)

Tafsīr
Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay na muli: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha, higit na malakas sa mga katawan, at higit na malaki sa mga bahagi ng katawan kaysa sa mga nilikha Namin mula sa mga langit at lupa, at sa mga anghel?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na madikit. Kaya papaano silang nagkakaila sa pagkabuhay na muli gayong sila ay mga nilikha mula sa isang nilikhang mahina, ang putik na madikit?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba