Surah Aṣ-Ṣāffāt (Ang mga Nakaayos — الصافات) (Talata 167)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na sila [na mga tagapagtambal] ay talagang nagsasabi dati: (167)
Tafsīr
Tunay na ang mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi dati bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah, halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: