Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh]. (17)
Tafsīr
Magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito na hindi nagpapalugod sa iyo. Alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may lakas sa pakikipagtunggali sa mga kaaway niya at [may] pagtitiis sa pagtalima kay Allāh. Tunay na siya ay madalas sa pagbabalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paggawa ng kinalulugdan ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: