Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin. (22)
Tafsīr
Noong pumasok silang dalawa kay David nang biglaan ay kinilabutan siya sa pagpasok nilang dalawa sa kinaroroonan niya nang biglaan sa ganitong paraan na hindi nakagawian para sa pagpasok sa kinaroroonan niya. Kaya noong luminaw sa kanilang dalawa ang pangingilabot niya ay nagsabi silang dalawa: "Huwag kang mangamba. Kami ay magkaalitan, na lumabag sa katarungan ang isa sa amin sa isa kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katarungan. Huwag kang mang-api sa amin kapag humatol ka sa pagitan namin at gumabay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landas na siyang landas ng pagkatama.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: