Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṣād — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Ṣād • Talata 22 sa 88 • Tagalog


إِذْ دَخَلُوا عَلَىٰ دَاوُودَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ خَصْمَانِ بَغَىٰ بَعْضُنَا عَلَىٰ بَعْضٍ فَاحْكُمْ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَا إِلَىٰ سَوَاءِ الصِّرَاطِ 22
Pagsasalin:
Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin. Ṣād 38:22
Tafsīr:
Noong pumasok silang dalawa kay David nang biglaan ay kinilabutan siya sa pagpasok nilang dalawa sa kinaroroonan niya nang biglaan sa ganitong paraan na hindi nakagawian para sa pagpasok sa kinaroroonan niya. Kaya noong luminaw sa kanilang dalawa ang pangingilabot niya ay nagsabi silang dalawa: "Huwag kang mangamba. Kami ay magkaalitan, na lumabag sa katarungan ang isa sa amin sa isa kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katarungan. Huwag kang mang-api sa amin kapag humatol ka sa pagitan namin at gumabay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landas na siyang landas ng pagkatama.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṣād • Talata 21 Susunod Ṣād • Talata 23