Tunay na ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu’t siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka nagsabi siya: ‘Ipaaruga mo sa akin iyan.’ Nangibabaw ito sa akin sa talumpati.” Ṣād 38:23 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang isa sa magkaalitan kay David – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ang lalaking ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu't siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka humiling siya sa akin na ibigay ko sa kanya ito at nadaig niya ako sa katwiran."