Nagsabi siya: “Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kaunti sila.” Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya. Sumubsob siya na nakayukod at nanumbalik [kay Allāh]. Ṣād 38:24 ⧉
Tafsīr:
Kaya humatol si David sa pagitan nilang dalawa at nagsabi siya habang kumakausap sa may hinaing: "Talaga ngang lumabag sa katarungan sa iyo ang kapatid mo nang humiling siya sa iyo ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga magkabakas ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba dahil sa pagkuha ng karapatan niyon at sa kawalan ng pagkamakatarungan, maliban sa mga sumampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos sapagkat tunay na sila ay nagpapakamakatarungan sa mga kabakas nila at hindi lumalabag sa katarungan sa kanila. Ang mga nailalarawan sa [katangiang] iyon ay kakaunti." Natiyak ni David – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na nagsadlak lamang si Allāh sa kanya sa isang pagsubok sa pamamagitan ng alitang ito, kaya humiling siya ng kapatawaran mula sa Panginoon niya. Nagpatirapa siya kay Allāh bilang pagpapakalapit kay Allāh at nagbalik-loob siya kay Allāh.