Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig [sa lahat], (65)
Tafsīr
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi mo: "Ako ay isang tagapagbabala lamang para sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh na pababagsakin Niya sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Kanya at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya. Walang natatagpuang Diyos na nagiging karapat-dapat sa pagsamba kundi si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa kadakilaan Niya, mga katangian Niya, at mga pangalan Niya. Siya ay ang Palalupig na lumupig sa bawat bagay sapagkat ang bawat bagay ay nagpapasailalim sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: