Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 10)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo [ang sabi Ko]: “O mga lingkod Ko na mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo. Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay [ganting] maganda. Ang lupa ni Allāh ay malawak. Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa pabuya sa kanila nang walang pagtutuos.” (10)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko: "Mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ukol sa mga nagpaganda, kabilang sa inyo, ng gawain sa Mundo ay [ganting] maganda sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya, kalusugan, at yaman, at sa Kabilang-buhay naman sa pamamagitan ng paraiso. Ang lupa ni Allāh ay malawak kaya lumikas kayo rito hanggang sa makatagpo kayo ng isang pook na sasambahin ninyo si Allāh doon, na walang maghahadlang sa inyo na isang tagahadlang. Bibigyan lamang ang mga nagtitiis ng bibigyan ng gantimpala nila sa Araw ng Pagbangon nang walang pagbibilang ni sukat dahil sa dami niyon at pagkakauri-uri niyon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: