Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 10 sa 75 • Tagalog


قُلْ يَا عِبَادِ الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةٌ ۗ وَأَرْضُ اللَّهِ وَاسِعَةٌ ۗ إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ 10
Pagsasalin:
Sabihin mo [ang sabi Ko]: “O mga lingkod Ko na mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo. Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay [ganting] maganda. Ang lupa ni Allāh ay malawak. Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa pabuya sa kanila nang walang pagtutuos.” Az-Zumar 39:10
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko: "Mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ukol sa mga nagpaganda, kabilang sa inyo, ng gawain sa Mundo ay [ganting] maganda sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya, kalusugan, at yaman, at sa Kabilang-buhay naman sa pamamagitan ng paraiso. Ang lupa ni Allāh ay malawak kaya lumikas kayo rito hanggang sa makatagpo kayo ng isang pook na sasambahin ninyo si Allāh doon, na walang maghahadlang sa inyo na isang tagahadlang. Bibigyan lamang ang mga nagtitiis ng bibigyan ng gantimpala nila sa Araw ng Pagbangon nang walang pagbibilang ni sukat dahil sa dami niyon at pagkakauri-uri niyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 9 Susunod Az-Zumar • Talata 11