Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 9 sa 75 • Tagalog


أَمَّنْ هُوَ قَانِتٌ آنَاءَ اللَّيْلِ سَاجِدًا وَقَائِمًا يَحْذَرُ الْآخِرَةَ وَيَرْجُو رَحْمَةَ رَبِّهِ ۗ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الَّذِينَ يَعْلَمُونَ وَالَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ ۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُولُو الْأَلْبَابِ 9
Pagsasalin:
O ang sinumang siya ay masunurin sa mga sandali ng gabi habang nakapatirapa at nakatayo, na nangingilag sa Kabilang-buhay at nag-aasam awa ng Panginoon niya [ay higit na mabuti ba]? Sabihin mo: “Nagkakapantay kaya ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam? Nagsasaalaala lamang ang mga may isip.” Az-Zumar 39:9
Tafsīr:
O ang sinumang siya ay tagatalima kay Allāh, na gumugugol ng mga oras ng gabi habang nakapatirapa sa Panginoon niya at nakatayo para sa Kanya, na nangangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay at umaasa sa awa ng Panginoon Niya ay higit na mabuti, o ang tagatangging sumampalataya na iyon na sumasamba kay Allāh sa kagipitan at tumatangging sumampalataya sa Kanya sa kaginhawahan at gumagawa kasama kay Allāh ng mga katambal? Sabihin mo, O Sugo: "Nagkakapantay kaya ang mga nakaaalam sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila dahilan sa pagkakilala nila kay Allāh at ang mga hindi nakaaalam na iyon ng anuman mula rito? Nakakikilala lamang sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat na ito ang mga may isipang matino."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 8 Susunod Az-Zumar • Talata 10