Kapag may sumaling sa tao na isang kapinsalaan ay nananalangin ito sa Panginoon nito habang nagsisising bumabalik sa Kanya. Pagkatapos kapag gumawad Siya rito ng isang biyaya mula sa Kanya ay nakalilimot ito ng dati nitong idinadalangin sa Kanya bago pa niyan at gumagawa ito para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw [sa mga tao] palayo sa landas Niya. Sabihin mo: “Magpakatamasa ka ng kawalang-pananampalataya mo nang kaunti; tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy.” Az-Zumar 39:8 ⧉
Tafsīr:
Kapag may tumama sa tagatangging sumampalataya na isang kapinsalaan mula sa isang karamdaman, isang pagkawala ng yaman, at isang pangamba sa pagkalunod ay nananalangin ito sa Panginoon nito – kaluwalhatian sa Kanya – na pawiin dito ang anumang taglay nito na kapinsalaan habang bumabalik sa Kanya lamang. Pagkatapos kapag nagbigay Siya rito ng isang biyaya sa pamamagitan ng pagpawi rito ng pinsalang tumama rito ay nag-iiwan ito sa dati nitong pinagsusumamuhan noong bago niyan. Iyon ay si Allāh. Gumawa ito para kay Allāh ng mga katambal na sinasamba nito bukod pa sa Kanya upang magpalihis ng iba pa palayo sa daan ni Allāh na nagpaparating sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang ito ang kalagayan niya: "Magtamasa ka ng kawalang-pananampalataya mo sa natitira sa buhay mo, na kaunting panahon, sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon sa Araw ng Pagbangon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya."