Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 15

فَاعْبُدُوا مَا شِئْتُمْ مِنْ دُونِهِ ۗ قُلْ إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ 15 ١٥

Kaya sambahin ninyo, [O mga tagatangging sumampalatay, kung ninais ninyo,] ang anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya.” Sabihin mo: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.” Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw. (15)

Tafsīr
Kaya sumamba kayo mismo, O mga tagapagtambal, sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya kabilang sa mga diyus-diyusan." (Ang pag-uutos ay para sa pagbabanta.) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga lugi nang totohanan ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nagpalugi sa mga mag-anak nila sapagkat hindi sila makikipagkita sa mga ito dahil sa pagkakahiwalay nila sa mga ito dahil sa pamumukod-tangi nila sa pagpasok sa Hardin o sa pagpasok nila kasama sa mga ito sa Apoy, kaya naman hindi sila magkikita magpakailanman. Pansinin, iyon sa totoo ay ang pagkaluging maliwanag na walang pagkalito hinggil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba