Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 17

وَالَّذِينَ اجْتَنَبُوا الطَّاغُوتَ أَنْ يَعْبُدُوهَا وَأَنَابُوا إِلَى اللَّهِ لَهُمُ الْبُشْرَىٰ ۚ فَبَشِّرْ عِبَادِ 17 ١٧

Ang mga umiwas sa nagpapakadiyos na sumamba sila rito at nagsisising bumabalik kay Allāh, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak [hinggil sa Paraiso]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa mga lingkod Ko, (17)

Tafsīr
Ang mga umiwas sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh, at bumalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak hinggil sa paraiso sa sandali ng kamatayan, sa libingan, at sa Araw ng Pagbangon. Kaya magbalita ka, O Sugo, ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba