Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 24)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya ba ang sinumang nagsasangga ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng sinumang pinagiginhawa sa Paraiso]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: “Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit [na kaalanan].” (24)
Tafsīr
Nagkakapantay ba itong pinatnubayan ni Allāh, itinuon Niya [habang] nasa Mundo, at pinapasok Niya sa Hardin sa Kabilang-buhay, at ang sinumang tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nito kaya pinapasok Niya ito sa Apoy na nakagapos ang mga kamay at ang mga paa, na hindi nakakakaya na sumangga sa apoy malibang sa pamamagitan ng mukha nitong isinubsob? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang panunumbat: "Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat ito ay ang ganti sa inyo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: