Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 41)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ng Aklat [na Qur’ān] para sa mga tao kalakip ng katotohanan. Kaya ang sinumang napatnubayan ay para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naliligaw lamang para sa [kapinsalaan] nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan. (41)
Tafsīr
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān para sa mga tao kalakip ng katotohanan upang magbabala ka sa kanila. Kaya ang sinumang napatnubayan, ang kapakinabangan ng kapatnubayan niya para sa sarili niya sapagkat si Allāh ay hindi pinakikinabang ng kapatnubayan niya dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan doon. Ang sinumang naligaw ay naligaw lamang sa kapinsalaan ng pagkaligaw niya laban sa sarili niya sapagkat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi napipinsala ng pagkaligaw niya. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinagkatiwalaan para mamilit ka sa kanila sa kapatnubayan sapagkat walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot sa kanila ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: