Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 41 sa 75 • Tagalog


إِنَّا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ لِلنَّاسِ بِالْحَقِّ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ 41
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ng Aklat [na Qur’ān] para sa mga tao kalakip ng katotohanan. Kaya ang sinumang napatnubayan ay para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naliligaw lamang para sa [kapinsalaan] nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan. Az-Zumar 39:41
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān para sa mga tao kalakip ng katotohanan upang magbabala ka sa kanila. Kaya ang sinumang napatnubayan, ang kapakinabangan ng kapatnubayan niya para sa sarili niya sapagkat si Allāh ay hindi pinakikinabang ng kapatnubayan niya dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan doon. Ang sinumang naligaw ay naligaw lamang sa kapinsalaan ng pagkaligaw niya laban sa sarili niya sapagkat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi napipinsala ng pagkaligaw niya. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinagkatiwalaan para mamilit ka sa kanila sa kapatnubayan sapagkat walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot sa kanila ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 40 Susunod Az-Zumar • Talata 42